Tanaw ang bintana
Habang hawak ang iyong larawan sa kaliwa
At bote sa may kanan
Habang pinagmamasdan pagbuhos ng ulan.
Iniisip na baka meron pa na “Sana”
Na “Sana” bumalik ang panahon na tayo’y unang nagkakilala
Na “Sana” magkaroon muli ng tayo
Pero and tadhana ay nagsawa ng magbiro.
Akala ko nakalimutan na kita
Sa pagdampi ng malamig na hangin na aking nadama
Sobrang init ng kahapon ang aking naalala
Sapagkat namimiss pa kita.
Sapagkat naisip pa kita
Pero alam kong sarado na ‘pagkat hindi na tama
Ang bintana ng ating walang hanggan
Hindi na muling mabubuksan.